Filtered By: Newstv
NewsTV
CamSur water sports, susubukan sa 'Bicol Expedition' ni Jay Taruc
MOTORCYCLE DIARIES
Bicol Expedition Part 2
May 23, 2013
Mula lalawigan ng Camarines Norte, tatawid na tayo ng probinsiya ng Camarines Sur sa ikalawang bahagi ng ating Bicol Expedition!
Makikilala natin sa bayan ng Ragay ang mga batang sumisisid sa ilalim ng dagat para mangisda gamit ang mga pana. May polio man ang labinlimang taong gulang na si Maloy araw-araw pa rin siyang pumapalaot kasama ang trese anyos na pinsang si Benjo. Magkasama nilang sinisisid ang kailaliman ng dagat ng walang anumang gamit at aparato sa paghinga. Kaya naman kailangan nilang sumisid at umahon ng ilang ulit sa loob ng ilang oras para makahuli ng isda.
Sa bayan naman ng San Fernando, kakaibang uri ng isda ang hinuhuli sa pilapil ng palayan. Habang wala pang anihan, abala ang mga magsasaka sa panghuhuli ng isang uri ng palos na kung tawagin nila ay kasile o yellow eel. Pero ang ilang kalalakihan ipinagbabawal ang pamamaraan ng panghuhuli, gumagamit kasi sila ng kuryente.
Mapaminsalang damo naman ang siya ngayong pinakikinabangan ng mga residente ng barangay del pilar sa bayan pa rin ng San Fernando. Paggawa ng mga tsinelas mula sa ligaw na damong ragiwdiw o agas grass ang ikinabubuhay ng karamihan sa barangay ngayon.
Sa Naga City naman na siyang sentro ng komersyo sa Camarines Sur matatagpuan ang malalawak na taniman ng pili nut, na isa ring produktong tatak ng kabikulan. At mula sa mga taniman ng pili sa Naga City, sinadya ni Jay ang kabisera ng Camarines Sur na ipinangalan din sa halamang ito --- ang bayan ng Pili! Pero maliban sa mga produktong gawa sa pili, ang pinakadinarayo sa bayan ng Pili, walang iba kundi ang sikat na Camsur Watersports Complex o CWC! Sa pambihirang istrukturang ito masusubukan ang iba’t ibang uri ng watersports tulad ng wakeboarding.
Huwag palalagpasin ang mga natatanging kuwento ng pagsubok ng mga kababayan nating kakabit ng tubig ang ikinabubuhay at ang ating water sports adventure sa ikalawang yugto ng ating Bicol Expedition ngayong Huwebes, 10pm sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular