Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kwento ng internal migrants sa 'Motorcycle Diaries'


Motorcycle Diaries
Huwebes, 10pm, 
February 21, 2013

Isang pamilyang nakatira sa lansangan…
Isang pamilyang nakikipaglaban sa matinding karamdaman…
Parehong nagtungo sa lungsod para makipagsapalaran. 
Sa isang natatanging biyahe, kakamustahin ni Jay ang iba’t ibang pamilya na iniwan ang probinsiya at nagtungo sa lungsod para makipagsapalaran. Sa kalye ng Tayuman sa Maynila, nakilala ni Jay si Aaron. Kasama niya ang asawa at dala
wang musmos na anak sa lansangan. Ito ang nagsisilbing tahanan ng kanyang pamilya. Umulan man o umaraw, sa bangketa sila natutulog. Kaya naman ang bunsong sanggol ni Aaron, kadalasang may ubo at sakit.

Masungit man ang panahon, dumidiskarte pa rin si Aaron sa kalye para malamnan ang kumakalam na sikmura ng kanyang pamilya.  Doble kayod din siya pero sa kabila nito hirap siyang makaipon ng 200 pisong pamasahe para makauwi na ng Bulacan. 
Nagsisiksikan naman sa Silverio Compound sa Paranaque City ang mahigit 25 libong pamilya o mahigit 100 libong residente.  Dito nakilala naman ni Jay si Aling Betty.  Dekada otsenta nang lumuwas siya ng Masbate patungo ng Maynila.  Matapos ang tatlong dekadang paninirahan sa lugar, nakaratay na si Aling Betty dahil sa matinding karamdaman.

Dalawang pamilya na nakipagsapalaran sa Kamaynilaan.  Dalawang pamilya na parehong gustong umuwi sa bayang kinalakhan. Makauuwi na kaya sila?
Angkas na sa isang natatanging biyahe ng buhay ngayong Biyernes sa Motorcycle Diaries, 8PM sa GMA News TV channel 11.
Tags: plug