Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga kwento ng pag-asa sa 'Motorcycle Diaries'
Mga taong sinubok ng tadhada, pero buong tapang na bumabangon mula sa hamon ng buhay. Isang natatanging biyahe ng gulong ng buhay ang ating matutunghayan ngayong Biyernes sa Motorcycle Diaries. Makikilala natin ang mga hindi matatawarang kuwento ng pagsisikap at katatagan ng mga kababayan natin na magsisilbing inspirasyon sa karamihan ngayong biyernes.
Nakilala ni Jay sa Bulacan si Jimmy. Nasunog ang parehong braso at kamay ni Jimmy dahil sa isang aksidente ---sumiklab kasi ang paggawan ng paputok na kaniyang pinagtatrabahuan. Hirap man siyang kumilos at humawak ng mga bagay dahil nagdikit dikit ang kanyang mga daliri dulot ng 3rd degree burn, nagsusumikap pa rin siyang magtrabaho bilang street sweeper para maitaguyod ang anak.
Si Freddie naman, dalawang taon pa lamang nang mawalan ng kakayahang lumakad. Sa kabila nito, hindi naging balakid ang kanyang kapansanan para magkapamilya at maghanapbuhay para buhayin ang kanyang asawa at anak. Ang kanyang mga kamay ang nagsisilbing paa para mapausad ang modified na bisikletang gamit niya sa paglalako ng balot.
Sa edad na 65 taong gulang, mas pinili pang magsilbi ni Nanay Glanida sa komunidad kaysa magpahinga. Boluntaryo siyang nag-aalaga siya ng mga bata maging matatanda hindi man niya ito mga kamag-anak.
Matamis na pag-iibigan na sinubok ng kapansanan naman ang kuwento ng buhay nina Paul at Sylvia. Malaking bahagi na ng kanilang pamumuhay ang wheelchair noong sila ay magkakilala, pareho kasi silang hindi na makalakad. Pero hindi ito naging hadlang para sila magpakasal at makabuo ng pamilya.
Kaya angkas na at huwag magpaiwan sa natatanging paglalakbay ni Jay ngayong Biyernes sa Motorcycle Diaries, 8pm sa GMA NewsTV Channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular