Filtered By: Newstv
NewsTV
Asukal, Sakada, Piaya at Silkworms sa Biyaheng Negros Part 2!
Sa ikalawang yugto ng Negros expedition, sisimulan na ng grupo ang mahigit limandaang kilometrong paglalakbay mula Negros Occidental pababa ng Negros Oriental. Makikilala naman ni Jay sa lungsod ng Sagay ang mag-asawang limang dekada ng sakada o magsasaka ng tubo. Hindi iniinda ng mag-asawang Guillermo, 77 anyos at Carming, 74 anyos ang init ng araw sa tuwing nagsasaka sila maghapon sa tubuhan. Sa lungsod ding ito nakilala ni Jay ang mga batang buling-buling na sina Judy Ann at Dailyn. Ginagapas at iniipon ng magpinsan ang mga buling o tira-tirang tubo na hindi nakuha sa unang pag-ani.
Sa lungsod naman ng Silay, masasaksihan ang mga obrang gawa sa alambreng tanso na karaniwan ay tungkol sa mga sakada ang paksa. Dito rin matitikman ang mga matatamis na produkto mula sa tubo. Una na diyan ang ipinagmamalaking pasalubong ng Negros, ang Piaya!
Pero bukod sa asukal, isa pang industriya ang unti-unting nagpapakilala sa Negros, ang sericulture o pag-aalaga ng mga silkworm. Bibisitahin natin ang nag-iisang silk reeling plant sa Pilipinas para saksihan kung paano inaani ang telang seda mula sa mga silkworm.
Angkas na sa ikalawang yugto ng ating 4-part series Negros Expedition sa Motorcycle Diaries ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular