Filtered By: Newstv
NewsTV
Motorcycle Diaries' Expedition Series: Samar Part 2
Isang Expedition ang ikinasa ng Motorcycle Diaries team ngayong Oktubre. Iikutin ng grupo ang isa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas na matatagpuan sa Visayas--ang Samar!
Mula Western Samar, tutulak na tayo pa-norte! Sa ikalawang yugto ng Samar Expedition Series ng Motorcycle Diaries, angkas na sa pagtuklas ni Jay Taruc sa tunay na kalagayan ng mga kapatid nating Samarnon, na sa kabila ng umuusbong na turismo sa kanilang lugar, patuloy pa ring nakararanas ng hirap ng buhay.
Dahil sa mga makasaysayang istruktura at mayamang kultura, sinasadya ngayon ng mga turista ang isla ng Capul na sakop ng Northern Samar. Pero bago pa man makarating dito, makikilala natin ang ilang “batang pahagis” na sa pier pa lang sa bayan ng Allen, nakaabang na sa mga turistang baka sakaling maghahagis ng barya sa dagat para sisirin nila.
Pagtapak natin sa Capul Island, maliban sa pagpasyal sa mga bakas ng kasaysayang nagsisilbing atraksyon sa islang ito, sasamahan din natin ang ilang “batang budlis,” na tumutulong sa mga mangingisda sa panghuhuli ng tuna. Kapag walang huli, sila mismo ang sumisisid sa dagat para mamana ng isdang maibebenta.
Maliban sa mga tanawin at likas na yaman, mas makikilala raw ang isang lugar sa mata ng mismong mga taga-rito, na may kani-kaniyang kwento ng pagsisikap at pag-asa. At ngayong Biyernes, ito ang pakay ni Jay sa patuloy na pagbagtas niya sa isla ng Samar.
Angkas na mga kabiyahe sa month-long 4-part series ng Samar Expedition ng Motorcycle Diaries, ngayong Biyernes, alas-otso ng gabi (8PM) sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular