Filtered By: Newstv
NewsTV

Biyaheng Batangas sa 'Motorcycle Diaries'


MOTORCYCLE DIARIES BIYAHENG BATANGAS
Airing Date: May 18, 2012
 
Bulalo, kapeng barako, balisong at naggagandahang beach!
Mga kilalang pagkain, bagay at lugar na talaga namang tatak Batangas!
 
Ngayong Biyernes, bibisitahin ni Jay Taruc ang ipinagmamalaking lalawigan ng mga Batangueno. Dadayuhin niya ang mapuputing buhangin at mala kristal na tubig sa Laiya, Batangas. Sisisirin din ni Jay maging ang itinatagong likas na yaman sa ilalim ng dagat.
 
At kasama ang mga riders ng Batangas, tutuntunin nila Jay ang sikat na “barangay beinte nuwebe,” o barangay na kilala sa pagawaan ng balisong.
 
Hindi rin mawawala sa ating Batangas roadtrip ang masarap na foodtrip!  Una na nating titikman ang mga masarap na pampagising na mga inumin, ang kapeng barako at tablea.  Susundan pa ng mainit na Lomi at crispy tawilis.
 
At bago pa matikman ang malinamnam na sabaw ng Bulalo, sinilip ni Jay at inalam ang kalakaran sa pinakamalaking bentahan ng buhay na baka sa Pilipinas!
 
Atin ding kilalanin si Leo Martinez, ang sikat na Batangenong artista at director na nagsusulong ng kulturang Batangeno!
 
Ala eh! Angkas na sa ating Batangas Roadtrip ngayong Biyernes 8pm sa Motorcycle Diaries sa GMA NewsTV Channel 11!
Tags: plug, batangas