Mababait na kapitbahay, kilalanin sa 'Family Time'
Family Time
Mababait na Kapitbahay
October 9, 2020
Sa panahon ng pandemiya, matindi ang pagsubok na pinagdadaanan nating lahat. Pero kinakaya natin ito dahil sa ating pamilya at mga tao sa ating komunidad.
Kagaya lamang ni Mark na ibinabahagi ang kanyang husay sa pag-aayos ng mga laptop. Binibigyan niya ng bagong buhay ang mga donated laptop para sa mga mag-aaral na walang magamit sa kanilang online learning. At dahil sa kanya, nasimulan na rin sa iba pang lugar ang advocacy na ito. Laking pasasalamat ng mag-aaral sa mga taong katulad ni Mark!
Para kina Tatay Elmer at Nanay Eloisa naman, ang mabubuting puso ng mga hindi nila kilala ang nagtulak sa kanila na kayanin ang pandemiya. Pareho silang senior citizen na nawalan ng kabuhayan pero ngayon ay mga sari-sari store owner na! Alamin kung paano sila natulungan ng kanilang kapwa.
Kapag naging COVID-19 positive ang iyong kapitbahay, paano mo siya pakikitunguhan? Para sa mga kapitbahay ni Mama Pauline, aba siyempre, pag-aalala at tulong ang ibinigay sa kanya. Isa itong kuwento ng new normal na bayanihan!
Bida ang ugaling bayanihan ng mga Pilipino ngayong Biyernes 915pm dahil Family Time is the best time!
(English)
Learn about the different stories where strangers made a difference in the lives of various individuals affected by the pandemic. Due to donations from random strangers, two struggling senior citizens became sari-sari store owners. Meanwhile, a COVID-19 positive patient receives kindness and support from her neighbors. Bayanihan at its finest this Friday, 915pm because Family Time is the best time!