Proseso ng blood donation sa bansa, susuriin ng Investigative Documentaries
SALIN
30 August 2018 Episode
Mahigit isang milyong Pilipino ang naging blood donor noong 2017 ayon sa Department of Health (DOH). Hindi raw ito sapat sa dami ng pasyenteng kailangan ito.
Ang 16 anyos na si Charles Valbuena ay habambuhay nang kailangang salinan ng dugo. Ipinanganak siyang may beta thalassemia major, isang sakit na nagdudulot ng problema sa oxygen sa dugo. Wala itong lunas.
Mabagal ang paglaki ng mga may ganitong karamdaman at wala itong lunas. Limang buwan pa lang si Charles noong unang salinan ng dugo.
Hanapbuhay naman ang pagiging blood donor para sa ilan. Seven hundred pesos ang karaniwang ibinabayad ng pasyente. Ito ang raket ni Lito, hindi niya tunay na pangalan. Halos tatlong dekada na siyang nagbebenta ng dugo.
Ang kalbaryo ng mga pasyente na may pangangailangan sa dugo tampok sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.