Perwisyong putik at langaw, tatalakayin sa Investigative Documentaries
PERWISYO
09 August 2018 Episode
Baha at makapal na putik ang puminsala sa mga residente ng Casa Bonita Homes sa Dinalupihan, Bataan nitong Hulyo. Ito ang sumbong na natanggap ng aming programa.
Ang sinisisi ng mga tao ay ang developer na gagawa ng subdivision sa itaas ng bundok.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), wala pang Environmental Compliance Certificate (ECC) ang developer kaya hindi pa raw dapat ginalaw ang lupa.
Umaasa ang mga residente na mapanagot ang developer sa nangyari at magkaroon ng aksyon ang lokal na pamahalaan.
Samantala, may mga bisita naman sa barangay Binukawan sa Bagac, Bataan na palaging iniiwasan. Kahit anong taboy ang gawin nila, masyadong madami ang bisita nilang langaw.
Enero 2018 itinayo ang isang poultry farm sa barangay. May permiso ito ng kapitan at maging ng munisipyo. Sagabal ito ngayon at banta sa kalusugan ng mga tao.
Alamin kung ano ang magiging tugon ng kinauukulan sa mga sumbong na aming natanggap sa Bataan.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.