Filtered by: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries

Mahigit 5,000 puno sa Bataan, planong ipaputol para sa road widening


RIPuno
28 June 2018 Episode

Maraming benepisyo ang puno pero para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sagabal ang mga ito sa road widening. Sa Bataan, mahigit 5,000 puno ang ililipat daw ng lugar at iyong malalaki ay tatagpasin na lang.

Halos 30 taon nang nabubuhay sa gilid ng Roman Expressway sa lalawigan ng Bataan ang mga puno ng narra, acacia, at eucalyptus. Bilang na ang araw ng mga ito.

Nitong Hunyo ay sinimulan na ang pagpuputol ng mga puno para sa road widening project ng DPWH region 3. May permiso ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).Mahigit P90 milyon ang pondo ng proyekto.

Alamin kung may iba pang paran para maisalba ang mga puno sa Bataan.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.