Lagay ng mga mangingisda sa Rizal, tatalakayin sa Investigative Documentaries
MAMAMANTI
21 June 2018 Episode
Pamamanti ang tawag sa paghuli ng isda sa Talim Island, Binangonan Rizal. Ito ang karaniwang hanapbuhay ng mga residente sa lugar.
Sakop ng Laguna De Bay ang barangay kung saan namamanti ang mag-amang Gregorio at Melvin. May 12,000 mangingisda na umaasa sa biyaya ng lawa. Umaabot sa 90,000 metric tons ang nahuhuling isda rito kada taon.
Pero ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ito noong 2017. Ang paglabo ng tubig sa Laguna de Bay ang isa sa mga itinuturong sanhi ng problema, bukod pa sa dami ng mga iligal na fishpen sa lawa.
Alamin kung ano ang sitwasyon ng mga mamamanti sa Binangonan at paano ito sinusolusyunan ng pamahalaan. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.