Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga babaeng may iba't ibang adbokasiya, kilalanin sa Investigative Documentaries


EBAng KLASE
22 March 2018 Episode

May 53 pusa na inaalagan sa bahay si Laureen. Isa siyang propesor sa De La Salle University sa Maynila. Ang dating hilig lang sa pag-aalaga ay nauwi sa pag-aampon ng mga pagala-galang pusa sa eskwelahan at lansangan. Mag-aapat na taon na niya itong ginagawa.

Ang gastos niya ay aabot ng mahigit P20,000 kada buwan para sa pagkain ng mga pusa. Bukod pa rito ang ipinambibili niya ng mga gamot kung magkakasakit ang mga alaga. Lahat ng pusa niya ay may pangalan na alinsunod sa lugar kung saan ito napulot.

Si Flor naman ay nanay ng mga anak na hindi siya ang nagluwal. Trabaho niya ang maging nanay para sa ibang bata.  Labindalawang taon na sa SOS Village sa Batangas si Flor. Isa itong non-government organization.

Ang isa sa mga inaalagaan niya ay may autism. Kaya espesyal na atensyon ang ibinibigay niya sa bata. Sa kasalukuyan ay may apat siyang anak na kinakalinga sa SOS Village.

Abangan ang kuwento ng mga EBAng klase bilang pagpupugay sa kanila ngayong buwan ng mga kababaihan.

Manood ng "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug, ebangklase