Filtered By: Newstv
NewsTV

Kasal at annulment sa Pilipinas, tatalakayin sa Investigative Documentaries


COST OF LEAVING
22 February 2018 Episode

Anuman ang estado sa buhay, may gastos sa pagpapakasal. Mula sa simbahan, damit at pagkain. Kahit pa sa kasalang bayan, may gastos. Itinuturing na ngang isang industriya ang kasal.

Mahigit 400,000 ang idinaos na kasal sa Pilipinas noong 2015, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Pero mula noong 2005, kapuna-puna ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal.

Gayundin, kapuna-puna ang tumataas na bilang ng mga naghahain ng annulment case bawat taon mula noong 2011. Noong 2015 lang, may mahigit 6,000 ang naghain ng kaso para makaalpas na sa pakikisama sa asawa, ayon sa Office of the Solicitor General (OSG). Kung magastos ang kasal, magastos na ay mapait pa ang prosesong ito.

Mahigit sa P100,000 ang pinakamurang gastos para sa annulment, kung susuwertehing may kaibigang abogado. Matagal ang pagdinig at maigsi na ang isang taon. Pangit din ang proseso kung minsan dahil kailangang laitin ang isang dating minahal para payagan ng korte ang paghihiwalay. 

Kasali ka ba sa halos kalahating milyon na magpapakasal ngayong taong ito? Alamin ang ibat ibang kwento ng pag-ibig sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.