Filtered by: Newstv
NewsTV

Pagpupuslit ng ilegal na kargamento sa Customs, susuriin ng Investigative Documentaries


PUSLIT
5 October 2017 Episode

Halos 10,000 container ang pumapasok sa Bureau of Customs (BOC) kada araw. Hindi lahat ay dumadaan sa x-ray at physical examination. Tanging ang mga importers lang na hindi maganda ang track record ang sumasailalim sa inspeksyon.

Nitong Mayo, naipuslit sa BOC ang 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billion.

Galing sa China ang container na ang laman daw ay mga gamit sa kusina. Nakalabas ito sa Manila International Container Port sa Tondo at nakarating sa isang warehouse sa Valenzuela.

Ayon sa testigo na si Mark Taguba, umabot sa P92 million ang binayaran niya sa mga opisyal ng customs mula Agosto 2016. Siya rin ang nagsiwalat tungkol sa tinatawag na tara system sa BOC.

Limang buwan na mula nang maipuslit ang droga sa customs. Aalamin natin kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon at kung ano ang ginagawang aksyon ngayon ng ahensiya sa pamumuno ng bago nitong hepe na si Isidro Lapena.

Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug