Batang iniwan ng ina, nagsisikap pa rin sa pag-aaral
INIWAN
31 August 2017 Episode
Labing-isang taong gulang pa lang ang patpating si Leslie pero siya na ang tumatayong nanay sa apat pa niyang mas batang kapatid. Iniwan sila ng kanilang ina noong 2015 at hindi na ulit nagpakita. Noong panahong iyon, kalahating taon pa lang ang bunso niyang kapatid.
Sa puyat at pagod ay hindi na nakabawi ang katawan ni Leslie.
Karpintero ang tatay nila at lingguhan kung umuwi. Walang matandang nagbabantay sa mga bata.
Higit sa lahat, wala ring gumabay sa kanila para mag-aral.
Ayaw ni Leslie na lalo silang mapag-iiwanan sa eskwelahan kaya siya na mismo ang kumilos. Pumunta siya sa San Vicente Elementary School nitong Hunyo. Noong una ay hindi siya pinapasok ng guwardiya pero paulit-ulit siyang bumalik hanggang sa makita siya ng principal. Dito nalaman ang nakalulungkot na kuwento niya at ng mga kapatid.
Alamin ang kwento ni Leslie sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi. kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.