Pagbabago ng Wikang Filipino, tatalakayin sa Investigative Documentaries
BAGONG LUMA
24 August 2017 Episode
May mga uso noon na laos na ngayon. May mga tradisyon naman na binago at isinasabay sa gawain ngayon.
Ang wikang Filipino, sa paglipas ng mga taon ay nagbabago at bumabagay sa uso.
Kung dati ay may mga makata na bumibigkas ng tula, patok ngayon sa mga kabataan ang hugot lines sa pamamagitan ng tinatawag na spoken poetry.
Dati ay balagtasan ang gamit sa pakikipagtunggali sa isang usapin, ngayon ay uso na ang rap battle.
Ang harana noon na ginagawa sa pakikipagkilala o panliligaw, ginagawa pa rin pero negosyo na ito. Ang manghaharana ay ang mga singing kartero ng Philippine Postal Corporation. Ang padalang sulat ay may kasamang bulaklak at kanta sa halagang P2,000. Ito ang singing kartero package na inilunsad noong 2014.
Ngayong Buwan ng Wika, alamin natin ang mga pagbabago sa ating wika at gawi. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi. kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.