Filtered By: Newstv
NewsTV

Malnutrisyon sa kabataan sa Gigantes Island, susuriin ng Investigative Documentaries


Malnutrisyon

03 August 2017 Episode


Maglilimang taon na si Alondra. Hindi pa rin siya nakapagsasalita nang maayos. Sa Sitio Dapdap sa Gigantes Island nakatira ang kanyang pamilya

Kung ikukumpara si Alondra sa kanyang mga kaedad, kulang siya sa timbang at taas. Kulang din sa nutrisyon ang kanyang mga kapatid.

Sa Gigantes Island kasi, tatlo sa bawat sampung bata edad 5 pababa ay hindi malusog.

 
Si Dr. Wendel Marcelo ang nag-iisang doktor sa isla. Dalawang taon na siyang doktor sa apat na barangay ng Gigantes. Hunyo 2017 nang ilunsad ng Department of Health (DOH) ang programa para tugunan ang problema sa kalusugan ng mga bata sa isla.
 

Pero isa sa mga mas matinding kalaban kung minsan ay ang mga maling desisyon at prayoridad ng mga magulang.

Alamin ang kwento nina Alondra at ng mga batang di sapat ang kalusugan ngayong Huwebes, alas otso ng gabi. Manood ng Investigative Documentaries kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug