Problema sa supply ng tubig, susuriin ng Investigative Documentaries
PATAK
22 JUNE 2017 Episode
Halos isang dekada nang sakit ng ulo ng mga residente ng barangay Ibayo sa Marilao, Bulacan ang suplay ng tubig.
Kung dati ay mahina ang patak sa kanilang gripo, ngayon may oras na lang ang dating nito. Madalas sa gabi lang kaya puyat sila sa pag-iigib.
Ang ibang residente ay bumibili ng tubig na inumin at panluto. Kada galon ng tubig ay P25.
May nakitang solusyon ang barangay. Mula 2014 hanggang 2016 ay nagpagawa ng 13 poso sa tulong ng lokal na pamahalaan sa halagang P20,000 hanggang P70,000 bawat isa.
Matindi rin ang problema sa tubig ng iba pang mga bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Alamin kung ano ang solusyon sa kalbaryo ng mga residenteng dumulog sa aming programa.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.