Mga ospital na kulang sa kagamitan, susuriin ng Investigative Documentaries
KAPOspital
01 June 2017 Episode
May siyam na pampublikong ospital sa ilalim ng pangangasiwa ng kapitolyo ng Laguna.
Ayon sa Commission on Audit (COA) report noong 2015, mahigit P90 million na halaga ng mga gamit tulad ng incubator, dialysis, at mammography machines ang hindi nagamit o kaya ay nasira na.
Ang ilan sa mga nasayang na gamit ay matatagpuan sa Laguna Medical Center.
Sa pagsama namin sa isang pasyente, nakita naming sira na ang kanilang x-ray machine. Ayon sa staff ng ospital, hindi pa alam kung kailan ito maayos. Itinuro na lang ang pasyente sa pribadong ospital.
Kabilang din ang Calamba District Hospital sa pinuna ng COA dahil sa mga hindi napakikinabangang medical equipment.
Aalamin kung ano ang naging aksyon ng lokal na pamahalaan ng Laguna sa mga problemang ito.
Huwag kaliligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.