Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga gusali sa kagubatan ng Negros Occidental, susuriin sa Investigative Documentaries


MGA GUSALI SA GUBAT

25 May 2017 Episode

Ang Northern Negros Forest Reserve (NNNP) ay isang protected area. May lawak itong mahigit sa 80,000 na ektarya. Ito ang pinakamalaking watershed sa probinsiya ng Negros Occidental.

Taong 2005 nang ideklara itong Natural Park sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act at Proclamation No. 895 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa batas, bawal ang magtayo ng anumang gusali sa isang protected area. Kailangan na may permiso ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng lokal na pamahalaan.

Sa kabila nito, may mga nakatayong resort, rest house at kainan sa loob ng natural park. Ang ilan sa mga ito pag-aari ng politiko at kawani ng pamahalaan.

Alamin kung sino ang mga ito. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug