Isyu ng pabahay sa bansa, susuriin ng Investigative Documentaries
PABAHAY
20 April 2017 Episode
Halos 6,000 housing units na pabahay ng gobyerno sa Bulacan ang inokupa ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY noong Marso.
Isa si Rica si mga tumira sa isang yunit sa Bulacan. Dati siyang nakatira sa Navotas pero pinaalis sila dahil kailangan laparan ang kalsada sa kanilang lugar.
Naging miyembro ng KADAMAY si Rica noong Setyembre 2016. Kahit hindi pa tapos ang bahay at wala pang linya ng tubig at koryente, hindi raw sila aalis ditto.
Ayon sa National Housing Authority (NHA), hindi pa kasi talaga handang ipamigay ang bahay. Tinatapos pa ang proseso para matukoy ang listahan ng mga bibigyan nito. Hindi kasali rito si Rica at mga miyembro ng KADAMAY.
Ayon kay Pangulong Duterte, ipauubaya na ang mga bahay sa KADAMAY.
Alamin ang sitwasyon sa mga housing project ng gobyerno sa "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11