Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagkalason ng tubig, tatalakayin sa Investigative Documentaries


LASON SA TUBIG
30 March 2017 Episode

Ilang dekada, ilang administrasyon, iba’t ibang kampanya na ang inilunsad para malinis ang Ilog Pasig. Humusay na kaya ang kondisyon ng ilog?

Kasama ang Philippine Coast Guard, binaybay ng Investigative Documentaries ang Pasig River. Dalawampu’t pitong kilometro ang haba nito mula sa Baseco, Tondo sa Maynila hanggang Napindan sa Taguig. Pinagdudugtong nito ang Manila Bay at Laguna De Bay.

Punung-puno pa rin ito ng basura. Ginagawa rin itong malawak na kubeta ng mga nakatira sa gilid nito.

Ayon sa World Health Organization, sa buong Pilipinas, may mahigit 7 milyong katao na walang maayos na palikuran. Ito ang pangunahing sanhi ng polusyon sa mga ilog natin.

Ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang nangangasiwa sa rehabilitasyon at ng Ilog Pasig. May iba silang katuwang tulad ng River Warriors.

Ang mga residente sa tabi ng ilog at estero ay malaking problema sa paglilinis ng tubig nito. Ayon sa PRRC, mas madali sana ang paglilinis kung wala ang mga informal settler.

Alamin kung may pag-asa pa bang malinis at maibalik ang buhay ng Ilog Pasig.

Huwag kaliligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.