Kaso ng malnutrisyon sa mga bata, tatalakayin sa Investigative Documentaries
Timbang
23 March 2017 Episode
Anim na taon na si Moklo pero mahigit 10 kilo lang ang timbang niya. Kalahati lang ito halos kumpara sa mga kaedad niya.
Napilayan si Moklo pagkatapos mahulog sa hagdan limang buwan na ang nakararaan at hirap na siyang maglakad. Dahil walang pera, hindi siya agad nadala sa doktor. Ipinahilot siya sa kapitbahay.
Ayon sa 2013 national nutrition survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), dalawa sa bawat 10 bata limang taong gulang pababa ang kulang sa timbang.
Dahil sa isang medical mission ay naipasuri sa ospital si Moklo nitong Pebrero. Pott’s disease daw sakit niya. Isa itong uri ng tuberculosis na tumatama sa buto.
Sa kanilang barangay, may ilang bata rin na mababa ang timbang. Alamin ang kwento ni Moklo at ng mga batang gaya niya sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.