Filtered by: Newstv
NewsTV
Epekto ng bagyong Nona sa Mindoro, tatalakayin sa Investigative Documentaries
Relokasyon
16 February 2017 Episode

Halos 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa barangay Bayanan, Baco sa Oriental Mindoro matapos manalasa ang bagyong Nona noong Disyembre 2015.

Natabunan ng bato ang mga bahay pati barangay hall, health center at paaralan. Umabot ng P1.5 bilyon ang halaga ng mga nasirang istruktura. Nawalan ng hanapbuhay ang mga tao.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay ng yero, pako, lagari at martilyo sa mga biktima. Ang problema, mahigit isang taon na ang nakalipas, wala pa ring maayos na relokasyon ang mga biktima. Walang katiyakan kung saan itatayo ang mga bagong bahay.
Huwag kaliligtaang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular