Filtered by: Newstv
NewsTV

Mga nakatenggang proyekto ng pamahalaan, susuriin sa Investigative Documentaries


Sumbong
09 February 2017 Episode

Halos isang dekada nang sakit ng ulo ng mga residente sa barangay San Isidro, Rodriguez Rizal ang sira nilang kalsada. Mabagal ang kilos ng trapiko, tao, at produkto dahil dito.

Pati ang mga estudyante, kalbaryo ang araw-araw na pagpasok dahil wala silang ibang madadaanan.

Ano kaya ang magigingtugon ng lokal na pamahalaan sa problemang ito?

Sa Malolos, Bulacan naman ay may elevator ang mga footbridge. Ang problema, wala namang nakikinabang sa mga ito. Hindi raw gumagana ang walong elevator sa apat na footbridge. Magkano ang gastos sa mga ito at bakit di pa ito mapakinabangan?

Alamin ang kuwento sa likod ng mga sumbong na aming natatanggap at kung sino ang dapat managot sa mga ito.

Huwag kaliligtaang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug