Filtered By: Newstv
NewsTV

Kalagayan ng mga OFW sa Cambodia, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES SA CAMBODIA II
19 January 2017 Episode

 

 

Malaki ang ambag ng mga Pilipino para makabangon ang mga Cambodian mula sa gulo.

Ang mag-asawang doktor na sina Mary at Leo Tago, 1998 nang unang pumunta roon para doon manggamot. Kulang kasi sa doktor sa Cambodia. Isa lang ang doktor para sa bawat limang libong pasyente, isa sa pinakamababang bilang sa mundo.

 

Hindi natapos sa medical mission at livelihood projects ang misyon ng mag-asawa. Noong 2009, nagpatayo sila ng bahay ampunan.  Sa kasalukuyan, kinukupkop nila rito ang 31 mga bata.

May 6,000 Pilipino sa Cambodia, 600 sa kanila ang  TNT o tago nang tago dahil  walang dokumento.

 

Isa sa kanila si Boyet na apat na taon nang palihim na nagtatrabaho sa Cambodia. Hindi siya makabalik ng Pilipinas dahil nakasanla ang kanyang passport, pati ang sa misis at anak sa halagang $1,000.

 

Alamin ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Cambodia.

Huwag kaliligtaang manood ngayong Huwebes ng ikalawang bahagi ng espesyal na pagtatanghal ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: pr, plug, id, cambodia, ofw