Turismo sa Cambodia, tatalakayin sa Investigative Documenta
Cambodia Part 1
12 January 2017 Episode

Sa Cambodia matatagpuan ang pinakamalalaking templo sa mundo. Pagpupugay ito sa kanilang dalawang pangunahing relihiyon, ang Hinduismo at Buddhismo.
Mahigit isa at kalahating milyong turista ang bumisita sa Angkor Wat sa Cambodia mula Enero hanggang Setyembre noong 2016, ayon sa Ministry of Tourism.
May mahigit 300 templo sa Angkor Wat Archaeological Park, pero halos 40 lang ang puwedeng pasyalan.

Ayon World Travel and Tourism Council, halos isang milyong trabaho ang nasuportahan dahil sa malakas na turismo ng bansa.
Dahil sa kalumaan, may ilang bahagi ng mga templo ang nasisira na. Ito ngayon ang sinusolusyunan ng kanilang pamahalaan.

Ang pagiging volunteer sa mga orphanage ay karaniwan na nagiging bahagi ng pagbisita ng mga turista. Nagbibigay rin sila ng donasyon. Ito ang binabantayan ngayon ng ilang grupo sa Cambodia dahil nagagamit daw ang mga bahay-ampunan para pagkakitaan lang ng mga nagpapatakbo ng bahay ampunan.
Huwag kaliligtaang manood ngayong Huwebes ng espesyal na pagtatanghal ng Investigative Documentaries mula sa Cambodia, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.