Isyu ng paglilibing kay dating Pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, susuriin
APO MARCOS
15 September 2016 Episode
Tuwing ika-11 ng Setyembre ginugunita ang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Itinakda ang paglilibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani pero hindi ito natuloy dahil sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapatigil ito. Bahagi ito ng proseso matapos maghain ng pagtutol dito ang iba’t ibang grupo. Ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng ni Marcos ay tutol sa desisyon ni Pangulong Duterte na sa Libingan ng mga Bayani ilibing ang yumaong diktador.
Ang mga loyalista ng pamilya Marcos, suportado naman ang kagustuhan ng Pangulo.
Sa panayam ng ID kay dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte 2nd district representative Imelda Marcos, ipaliliwanag niya kung bakit may karapatan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating diktador.
Abangan iyan sa Investigative