Filtered By: Newstv
NewsTV

Kahalagahan ng emergency hotline numbers, tatalakayin sa Investigative Documentaries


 

 

Ang Rescue Central 911 ng Davao City ang nanguna sa pagtugon sa pagsabog sa Roxas Avenue, kung saan 14 ang namatay at halos 70 ang sugatan. Dinala ang karamihan sa mga biktima sa Southern Philippine Medical Center, ang pinakamalking pampublikong ospital sa Davao.

Sa mabilis na pagresponde sa mga ganitong insidente, maraming buhay ang naliligtas. Noong 2002 pa may 911 ang Davao City. Bente kuwatro oras ang serbisyo ng 911.

Sa kasalukuyan ay may halos 600 tauhan ang Rescue Central 911. Noong 2015, mahigit 17,000 na tawag ang kanilang natanggap.

Kung dati sa Davao City lang may 911, nitong Agosto ay inilunsad na ito sa buong bansa. Sa unang buwan ay mahigit kalahating milyon ang natanggap nitong tawag. Ang problema, marami ang manloloko. Sa unang pitong oras nang ilunsad ang 911, 304 ang naitalang prank callers.

Ang pondo ng 911 para sa unang taon nito ay mahigit P19 na milyon. Alamin kung paano nakatulong at ano ang mga problemang kinakaharap ng pinakabagong emergency hotline ng bansa.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug