Mga sirang paaralan, susuriin ng 'Investigative Documentaries'
Bitak to School
23 June 2016 Episode
Ikalawang tahanan daw ng mga estudyante ang paaralan pero may mga silid aralan na hindi mo gugustuhing manatili ang anak mo. Ganito ang sitwasyon sa Macarcarmay Elementary School sa Bangued, Abra.
Nabibitak at dumadausdos na pababa ang ilang pasilidad ng paaralan. Halos P200,000 lang kada taon ang pondo ng eskwelahan kaya raw hindi maipaayos ang pasilidad nito. Sapat lang ang pondo pambayad ng koryente at iba pang maliliit na gastusin.
Ipinasuri namin sa isang eksperto ang eskwelahan bago ang pasukan. Palpak daw ang solusyon na ginawa ng Department of Education noong 2011. Nalalagay sa peligro ang halos 150 mag-aaral dahil sa kondisyon ng Macarcarmay Elementary School.
Inilapit na ng paaralan ang problema sa lokal na pamahalaan at Department of Education (DepEd) pero wala silang natatanggap na tulong.
lamin kung saan pa may mga depektibong pampublikong paaralan at alamin kung bakit ganito ang kondisyon ng mga ito.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.