Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga nakatenggang proyekto ng gobyerno, susuriin sa 'Investigative Documentaries'


TENGGA
16 June 2016 Episode

Hindi malaman kung paano magagamit ang footbridge na itinayo sa Barangay Anabu sa Imus Cavite. May poste kasi sa gitna nito. Mahigit P14 million na salapi ng bayan ang ginamit sa proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Walang makagamit ng footbridge.

Wala ring pakinabang ang putol na footbridge sa Samson Avenue sa Caloocan City na proyekto naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa halagang P8.3 million. Sinimulan ito noong Setyembre 2015.

Tatlong taon na mula nang simulan ang Blumentritt Interceptor Catchment Area sa Maynila. Layunin nito na mabawasan ang pagbaha sa ilang parte ng lungsod. Nauubusan na ng pasensiya ang mga apektadong residente dahil sa tagal ng proyekto. Marso 2013 pa sinimulan ang konstruksyon pero hanggang ngayon hindi pa ito tapos.

Alamin ang mga nakatenggang proyekto ng gobyerno at siyasatin natin kung ano ang sanhi nito. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug