Filtered By: Newstv
NewsTV

Kalagayan ng mga talon sa bansa, susuriin ng 'Investigative Documentaries'


"Agos"
28 April 2016

May mga sikat na kanta ang ating mga ninuno tungkol sa Hinulugang Taktak sa Antipolo. Kung napasyalan mo ito kailan lang, malalaman mong maganda na lang ito sa kanta.

Maputik, marumi, at hindi na kaaya-aya ang amoy ng tubig ng waterfalls. Nagkalat din ang basura sa lugar.

Sa kalapit na Daranak Falls sa Rizal, marami ring turista. Noong 2010, umabot sa 50,000 ang bumisita rito at noong 2011, nadoble ang dami ng turista.

Ayon sa tourism office ng Tanay halos isang libong katao ang dumadayo rito araw araw lalo na tuwing summer.

Ipinagbabawal sa Daranak Falls ang pagkakalat pero may mga bisitang hindi sumusunod sa panuntunang ito. May mga nagsusulat din sa mga pader sa paligid ng waterfalls.

Ano ang dapat gawin nang 'di na masira ang yamang iniwan sa atin ng mga naunang henerasyon?

Huwag kaligtaang manood ng  "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug