Mga Pilipinong lulong sa paninigarilyo, tampok sa 'Investigative Documentaries'
Upos
7 April 2015 Episode
Sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa sakit na dulot ng paninigarilyo. Sa kabila nito, 40 porsyento ng mga lalaki sa bansa ay naninigarilyo. Sa mga babae naman ay walong porsyento.
Kahit hindi naninigarilyo ay nalalagay sa peligro dahil sa kemikal na nasa usok ng sigarilyo. Ganito ang nangyari kay Eleanor na nagkaroon ng laryngeal o throat cancer. Dahil dito ay kinailangang alisin ang kanyang voice box o lalamunan.
Ayon sa Philippine Cancer Society, aabot sa 3,000 Pilipino na hindi naninigarilyo ang namamatay kada taon dahil nakalalanghap ng usok mula sa ibang tao.
Alamin ang kuwento ng mga lulong sa paninigarilyo, mga nagkasakit dahil dito at ilan sa mga nagawang makawala sa bisyong ito.
Huwag kaligtaang tumutok sa "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.