Filtered By: Newstv
NewsTV

Premature campaigning ng local candidates, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'


Kampanya
17 March 2016

Sa panliligaw sa mga botante, kahit ang maging pasaway ay ginagawa ng mga politiko, makakuha lang ng boto.

Sa March 25 pa ang simula ng campaign period para sa mga kandidato sa lokal na posisyon. Ang problema, kapag tumingin ka sa paligid ay hitik sa tarpaulin at poster ang pader, poste at kable ng koryente.

Ayon sa Republic Act 9006 o ang Fair Elections Act, sa mga common poster area na itinalaga ng Comelec lang pwedeng maglagay ng mga campaign poster. Marami ang hindi sumusunod.

Bilang tugon, umiikot ang Oplan Baklas team ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para alisin ang mga poster. Hindi sa basurahan ang diretso ng mga tinanggal na campaign materials. Ito ay ire-recycle para gawing bag.

Binisita ng ID ang apat na lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming botante. Ang Maynila, Quezon City, Makati at Caloocan. Sinu-sino kaya ang kandidatong pasaway?

Huwag kaligtaang tumutok sa Investigative  Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug