Oral health ng mga Pilipino, susuriin ng 'Investigative Documentaries'
Sipilyo
3 March 2016 Episode
Isa lang ang toothbrush na gamit ng pamilya Marasigan ng barangay Cuta sa Batangas. Wala rin silang pambili ng toothpaste kaya asin ang ginagamit nila tuwing magsisipilyo.
Ang magkakapatid na Ashley, Lawrence, at Wendy ay halinhinan sa paggamit ng tootbrush sa umaga. Ang kanilang mga magulang ang nahuhuli sa pila. Ang nag-iisa nilang toothbrush, nakuha nila sa isang dental mission noong Disyembre 2015.
Pangangalakal ang hanapbuhay ng pamilya Marasigan at marami pa silang mas importanteng dapat gastusan araw-araw liban sa toothbrush at toothpaste.
Gaya sila ng malaking bahagi ng populasyon ng bansa na hindi prayoridad ang pangangalaga sa ngipin, at gumagawa na lang ng sariling solusyon kapag masakit ang ngipin.
Ito rin ang dahilan kung bakit pito sa bawat sampung Pilipino ang hindi pa nakabisita sa dentista.
Huwag kaligtaang tumutok sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!