Filtered By: Newstv
NewsTV

Walang habas na pamumutol ng puno sa Negros Occidental, susuriin ng 'Investigative Documentaries'


Investigative Documentaries
RIPuno
21 January 2016 Episode

Sa Binalbagan, Negros Occidental, minasaker daw ang mga puno sa tabi ng kalsada. Ito ang sumbong na nakarating sa aming programa. Disyembre 2015 pinutol ang mga puno dahil nagpapalapad daw ng daan ang Department of Public Works and Highways o DPWH.

Mahigit 300 raw puno ang itinumba dahil sa proyekto. Hindi bababa sa 30 taon ang edad ng mga puno ng acacia, mahogany at gemelina.

Ayon sa batas, hindi pinahihintulutan ang pagputol sa mga puno kung hindi ito delikado para sa tao o kung walang permiso ng ahensyang nakatoka dito. Pero may pahintulot ang ginawang pagputol sa Binalbagan kahit na tutol pa ang mga residente.

Kahit ang mga puno na malayo naman sa kalsada ay nadamay sa pagpuputol kaya umaalma ang ilang residente. Apektado rin ang mga estudyante dahil wala na silang masisilungan lalo na kung matindi ang sikat ng araw.

Alamin kung saan pang panig ng bansa nagkaroon ng pagpuputol ng puno para daw lumapad ang dadaanan ng mga sasakyan. Nasunod ba ang proseso sa pagputol ng mga puno?

Huwag kaligtaang tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug