Filtered By: Newstv
NewsTV

Reklamo tungkol sa nakatenggang tulay sa Cavite, susuriin ng 'Investigative Documentaries'


Mga Sumbong

Investigative Documentaries

26 November 2015 Episode

 

Magandang balita sana ang pagtatayo ng footbridge sa barangay Anabu sa Imus, Cavite. Ang problema, Hulyo 2014 pa sinimulan ang konstruksyon nito pero hanggang ngayon ay wala pa itong hagdan para magamit na. Mahigit isang taon nang nakatengga ang proyekto na hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Mahigit P14  milyong piso ang halaga raw ng footbridge. Ang problema, itinayo ito sa pribadong lupain kaya nagkaroon ng aberya nang tumanggi sa proyekto ang may-ari ng lupa.

 

Inirereklamo naman ng mga residente ng barangay Minuyan sa Norzagaray, Bulacan ang alikabok mula sa isang planta ng semento. Reklamo ng mga nakatira dito, peligro sa kalusugan ang alikabok ng planta kapag nasisira ang makina nito, lalo na sa mga bata. Anim na dekada na ang planta sa lugar.

 

Dati ay hindi naman daw problema ang alikabok pero biglang nagbago ang sitwasyon nitong taon. Pati ang mga pananim ay apektado. Balot ng alikabok ang mga dahon at hindi ito basta basta naaalis.

Alamin ang mga problema sa komunidad na ipinarating ninyo sa aming programa. Ano kaya ang magiging aksion ng mga may kinalaman dito?  Tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug