Filtered By: Newstv
NewsTV

Kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda, isyung tampok sa 'Investigative Documentaries'


Tacloban: Dalawang taon pagkatapos ng Unos
November 05, 2015

Mahigit isang milyong bahay ang nawasak nang manalasa ang super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Pagkatapos ng dalawang taon ay binisita ng ID ang sitwasyon ng mga biktima. Malaki pa rin ang problema sa relokasyon at marami pa rin ang walang ligtas at permanenteng matutuluyan.

Sa kasalukuyan ay halos limang daang pamilya pa rin ang nakatira sa bunk houses sa Barangay Caiba-an sa Tacloban, Leyte. Pansamantalang tirahan lang dapat ito, kaya naman ang ilang bunk house lumulubog na ang mga sahig. Habang ang ilang palikuran ay wala nang dingding at hindi na rin mapakikinabangan.

Sa Barangay Abucay, problema pa rin nila ang suplay ng tubig. May pwedeng igiban  pero madalas na walang lumalabas na tubig sa gripo.

Isang oras sa umaga at isang oras sa hapon lang kung magkaroon ng tubig. Sa mahigit isang daang pamilya na nakatira sa Abucay bunkhouse, lima hanggang pitong pamilya lang ang kayang suplayan ng tubig mula sa kanilang igiban.

Sa Saint Genevieve Village 1 sa barangay Tagpuro sa Guiuan, Eastern Samar, hindi pa man natatapos ang pagtatayo ng mga bahay ay may malaki na itong problema. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), nasa hazard zone. Posible raw kasing magka-sinkhole sa lugar na ito dahil limestone ang nasa ilalim nito. Ibig sabihin delikado at hindi dapat nagtatayo ng bahay sa mga lugar na ito.

Alamin kung bakit usad pagong ang rehabilitasyon sa mga lugar na apektado ng bagyong Yolanda. Tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug