Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pekeng produkto sa pamilihan, kikilatisin ng 'Investigative Documentaries'


PekePinas
September 24, 2015

Puhunan ni “Shine” ang kanyang mukha sa tuwing sumasali siya sa mga beauty contest. Madalas niyang inuuwi ang korona. Hanggang sa isang araw, nasira ang kanyang mukha, 2009 nang isang nagpakilalang doktor  ang nag-alok sa kanya ng turok at gamot para raw umumbok ang kaniyang pisngi. Sa halagang tatlong libong piso kada turok, lalo raw siyang gaganda sa gamot na iyon.


Unti-unti raw may umuumbok sa mga pisngi ni Shine mula nang turukan ito. Pekeng gamot ang sanhi nito.

Kahit nagsulputan na ang mga balita tungkol sa mga pekeng gamot, marami pa rin ang tumatangkilik sa mga produktong hindi naman kilala o napag-aralan man lang. Pang-walo ang bansa sa Asya na may pinakamaraming kaso ng pekeng gamot mula 2011 hanggang 2013.

 


Bukod sa gamot, santambak rin ang mga pekeng produkto sa pamilihan. Mabibili sa murang halaga kaya patok sa mga tao. Alamin kung paano ba mahihinto ang pamemeke sa bansa.

Huwag kaliligtaang tumutok ngayong Huwebes, sa Investigative  Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!
 

Tags: plug