Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kuwento ng kabutihan, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'


Aprub!
September 10, 2015  



Bibihirang pag-usapan sa telebisyon ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.  Kaya ngayong Huwebes, ipakikita ng Investigative Documentaries ang ilan sa mga aprub na kuwentong naging viral sa social media na punong-puno ng good vibes at tiyak na kapupulutan nating lahat ng aral.

Kumalat sa social media ang larawan ng isang pulis kasama ang isang Lolo. Siya si Police Senior Inspector Rodrigo De Dios, kasalukuyan siyang hepe ng Operations and Plans Branch ng Pasig City Police. Tinulungan niya ang matanda na madala sa pagamutan pagkatapos mabagok ni Lolo habang naglalakad sa bangketa. Marami ang pumuri sa ginawa ni mamang pulis.



Sampaguita vendor naman sa Batangas ang magkakaibigang Tyrone, Joross, Jerome at Cliefford. Pagkatapos ng kanilang klase diresto sila sa pagbebenta. Nitong Hulyo, nakapulot sila ng Iphone 5. Sa halip na pag-interesan ang gadget ay hindi sila nagdalawang isip na ibalik ang cellphone sa may-ari nito.
 
Kaya naman bilang pasasalamat, sinorpresa ni Ericson na may-ari ng cellphone ang magkakaibigang nagbalik ng kanyang telepono.



Minsan sa isang buwan ay nag-iikot sa lansangan ang grupo ng mga mag-aaral ng Manila Adventist College. Ang pakay nila, hikayatin ang mga mahihilig manigarilyo na huminto na sa kanilang bisyo. Ang gimik ng grupo, papalitan nila ng prutas at mani ang kada stick ng sigarilyo.
 
Sa sarili nilang bulsa nanggagaling ang ginagastos pambili ng prutas at mani na kanilang ipinamimigay. Sa Pilipinas, sampu ang namamatay kada oras dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo kaya hindi madali ang ginagawa ng grupo na pangungumbinsi sa mga tao na huminto na sa pagyoyosi.



Panoorin at ma-inspire sa kanilang mga kuwento ngayong Huwebes, sa Investigative Documentari es, alas-otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug