Filtered By: Newstv
NewsTV
Malnutrisyon sa kabataan, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'
Investigative Documentaries
Gutom
Gutom
July 09, 2015
Madalas matamlay sa eskwelahan ang walong taong gulang na si Jasmin. Pumapasok kasi siya na kumakalam ang tiyan. Sanay na kasi ang sikmura niya at ng mga kapatid niya na palaging nalilipasan ng gutom.
Ang pangarap ni Jasmin, makapag ulam ng karne. Pero tila pangarap na lang ito, walang trabaho ang mga magulang ni Jasmin para may maipambili ng pagkain.
Sa Catanduanes kung saan lumaki si Jasmin, ang may pinakamataas na insidente ng malnutrisyon noong 2014 ayon sa Department of Health (DOH).

Kahit sa Metro Manila, maraming bata ang nakararanas ng gutom. Tulad ni Boller, sampung taong gulang. Sa basura siya nagbabakasali para may maipambili ng pagkain. Kung minsan, ang mismong basura ang kanilang ginagawang pagkain.
Kilalanin at alamin ang kalagayan ng mga batang kumakalam ang sikmura ngayong huwebes, sa Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!
More Videos
Most Popular