Wastong paggamit ng pera, alamin sa 'Investigative Documentaries'
Investigative Documentaries
Utang
June 25, 2015
Kapag kapos si Juan sa pang-araw araw na gastusin tulad ng pagkain, pambayad ng matrikula ng mga anak, at pambayad ng bills tulad ng ilaw, tubig at renta sa bahay ang madalas na solusyon--- ang mangutang.
At ang mga madalas na utangan ay ang mga bumbay, kapitbahay at mga kamag anak. Pero kung talagang kailangan pa rin ng pera, may mga nagpupunta sa sanglaan, ang iba pa, ginagawang kolateral ang ATM Card at mayroon ring tinatawag na instant money.
Marami na nga raw paraan ngayon para mairaos ang kakapusan sa pera. Pero ang ilang nakilala na ID Team, tila naging alipin nang utang. Madali raw kasing mabaon sa utang lalo na kung kulang sa disiplina.
At alam nyo ba na ang bawat Pilipino ay may utang na lumalabas na P64,000? Ito ay dahil sa utang ng gobyerno na umabot na sa P5.7 trillion na pinagbabarayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng buwis.
Alamin ang mga paraan para hindi mabaon sa utang. Manood ng Investigative Documentaries
ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!