ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Sitwasyon ng mga Mangyan sa Puerto Galera, sisiyasatin sa "Investigative Documentaries"

Sikat ang Puerto Galera para sa maraming turista. Umaabot sa 20,000 ang dumadayo rito linggu-linggo.
Dahil sa dami ng bumibisita, tambak rin ang naiiwang basura.

Ang solusyon ng lokal na pamahalaan, magtayo ng sanitary landfill. Pero apektado ang mga katutubong Mangyan sa proyekto. Sa kanilang komunidad sa Sitio Lapantay sa Barangay Villaflor planong itayo ang landfill.

Dahil dito ay kailangang palayasin ang mga residente. May alok na relokasyon ang lokal na pamahalaan pero marami sa mga katutubo ay mariin ang pagtutol sa proyekto. Giit nila, sila ang totoong may-ari sa lupa. Ibinigay na kasi sa kanila ito ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noon pang 2004.

Alamin ang kwento ng mga katutubong Mangyan sa Puerto Galera at ang kanilang pakikipaglaban sa lupang nagbabadyang mawala sa kanila.
Abangan ang Investigative Documentaries ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!
More Videos
Most Popular