Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang kalbaryong naidudulot ng mga sirang tulay, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'
TULAY
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
April 16, 2015
Kahit kailan ay hindi pa nagagamit ang Dibenbenan Bridge sa Palanan, Isabela. Putol kasi ang tulay at halos walong taon nang nakatengga mula nang ito ay itayo noong 2007. Halos 50 million pesos ang pondo sa pagpapagawa ng tulay na inutang pa ng lokal na pamahalaan ng Palanan sa Land Bank of the Philippines.
Noong 2010 ay bigla na lang natigil ang konstruksyon ng tulay nang walang malinaw na dahilan, ayon ito sa ginawang imbestigasyon ng Isabela DILG. Ang inutang na pera para tustusan ang pagpapatayo ng Dibenbenan Bridge, binabayaran na ng buwis ng mga mamamayan kahit hindi pa ito napakikinabangan. Ang mga tao kasi, sa halip na sa tulay dumaan, nakikipagsapalaran gamit ang bangka para tawirin ang ilog. Atrasado tuloy ang pamumuhay ng mga residente.

Ang Pigalo Bridge naman sa Angadanan, Isabela. Sa halip na sasakyan ang dumaan ay tao ang makikitang tumatawid. Noong 2011 pa nasira ng bagyong Pedring at Quiel ang tulay. Hanggang ngayon ay hindi pa ito naayos.
Kahit tuloy ang patay, nahihirapan tumawid papunta sa huling hantungan. Malaki na kasi ang sira ng tulay. Kapag malakas ang ulan, imposible na rin itong daanan. Kaya ang mga residente, walang ibang pagpipilian kung hindi ang gumamit ng bangka para makatawid.

Saksihan ang kalbaryo ng mga apektadong residente sa Isabela dahil sa mga depektibong tulay at alamin kung sino ba ang dapat managot sa problemang ito.
Tutukan ang Investigative Documentaries ngayong huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

More Videos
Most Popular