Filtered By: Newstv
NewsTV
Tuklasin ang epekto ng pagmimina ng ginto sa Nueva Vizcaya, sa 'Investigative Documentaries'
12 March 2015 Episode
Vizcaya
Halos tatlong dekada na ang pagmimina ng ginto sa Nueva Vizcaya. Kaya ang dati’y luntiang kabundukan, ngayon ay kakulay na ng tinibag na bato.
Sa Barangay Didipio ay karaniwan na ang mga pagsabog na nasusundan ng pagyanig dahil sa minahan. Bahagi ito ng mga kailangang gawin para makapagmina.
Nag-aalala ang mga taong nakatira malapit sa mga minahan dahil unti-unti nang nabibitak ang pader ng mga bahay nila. Ang Didipio Elementary School ay delikado na rin para sa mga estudyante. Ang sahig kasi ng paaralan ay may mga bitak na.
Ang ilog na dati ay pinagkukunan ng malinis na tubig ay nalason na. Lumabas sa pag-aaral ng AGHAM noong 2014 na kontaminado na ang ilog at hindi na kayang mabuhay ng kahit na anong uri ng isda rito.
Hindi na rin napakikinabangan ang irigasyon na para sa mga sakahan. Kahit ang poso sa lugar ay wala na ring lumalabas na tubig.
Dahil bente kwatro oras ang operasyon ng minahan, perwisyo sa gabi ang ingay na nagmumula rito. Marumi na rin ang hangin.
Inilapit na ng mga taga Didipio sa lokal na pamahalaan ang problema. May petisyon sila para ipahinto ang mga minahan pero wala pa ring nangyayari. Nagtuturuan naman ang kapitolyo at Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa kung sino ang dapat na umaksyon.
Alamin ang kuwento ng Didipio sa Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular