Filtered By: Newstv
NewsTV
Diskriminasyon sa kasarian, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'
KASARIAN
Investigative Documentaries
Huwebes, Marso 5
8 PM sa GMA News TV-11
Nagtapos ng kursong Business Administration si Alvin Ho. Dalawang taon na siyang rumaraket sa comedy bar bilang drag queen. Hindi ito ang pangarap niyang trabaho, pero sagabal daw ang pagiging bakla niya sa pagkuha ng trabaho sa linyang tinapos niya.
Maraming beses na raw siyang tinanggihan sa trabaho dahil sa kanyang sekswalidad. May mga pagkakataon rin na nababastos siya dahil sa kanyang kasarian.
Ang iba naman, nagrereklamo na agad na lang silang tinatanggihan sa trabaho dahil hindi raw bagay sa bakla ang kanilang opisina. May mga hindi naman makautang sa bangko at iba pang institusyon dahil hindi pa kinikilala sa ating bansa ang pagsasama, kahit gaano katagal, ng sinumang pareho ang kasarian.
May iba namang opisyal na kakaiba ang programa. Sa Rosario, Cavite, ang traffic enforcers ay may dala silang abaniko, naka-lipstick at pink na rubber shoes. Sila ang mga beki na tagapagpatupad ng batas trapiko.
Enero 2015 nang sinimulan ang proyekto. Ang lokal na pamahalaan ang nagsanay sa mga traffic enforcers. Anim na oras ang duty nila araw araw. Bukod sa natatanggap na suweldo ay may food allowance rin sila.
Tama ba ang ganitong proyekto?
Ngayong Huwebes, pakinggan ang kuwento ng mga nagiging biktima ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian.
Manood ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular