Filtered By: Newstv
NewsTV

'Kusang-loob' sa 'Investigative Documentaries'


KUSANG LOOB
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
January 29, 2015 Episode

May mga superhero na wala sa screen o sa pahina ng komiks. Minsan ay nasa paligid natin sila, mga totoong taong may ginagawa para sa kapwa.

Si Troy Lacsamana ay isang librarian na kapag nagsuot ng costume ay nagiging si Heneral Basa. Umiikot siya sa Quezon City para magkwento sa mga estudyante at nang mahikayat silang magbasa.

Mahigit isang taon na niya itong ginagawa. Sa siyam na oras na duty niya, tatlong oras ang napupunta sa pag-iikot bilang Heneral Basa.
Libreng check up at operasyon sa mata naman ang handog ni Doc. Elmer Espino. Kahit sa Antipolo na siya nagtatrabaho, dumadayo siya ng San Antonio District Hospital sa Nueva Ecija tuwing Martes para manggamot nang libre. Gusto raw niyang gayahin ang tatay niya na nagpa-aralng mga batang mahihirap.

Libreng pakain naman ang naisip ni Benjie o Mang “Urot.” Dalawang taon na mula nang buksan niya at mga kasama ang isang karinderya sa Quezon Avenue. Naglalatag sila ng lamesa sa tapat ng isang pribadong opisina. Bukas ito sa lahat ng nagugutom. Tatlong beses kada linggo nila ito ginagawa.
Ang mga ordinaryong tao na may pambihirang katangian, ating kikilalanin. Huwag kalimutang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.