Filtered By: Newstv
NewsTV
'Mga limot na bayani' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
27 November 2014 Episode
MGA LIMOT NA BAYANI
Kapag namasyal ka sa Luneta, mapapansin mo ang hilera ng mga rebultong nakapaligid sa parke. Marami kasing bayaning Pilipino ang hindi sikat pero kailangan din nating makilala.
Sultan Dipatuan Kudarat Aman Dangat
Kasama sa mga piling bayani na may rebulto si Sultan Dipatuan Kudarat. Malaki ang naging papel ni Sultan Kudarat sa kasaysayan ng Mindanao. Bilang pagpupugay, isang probinsiya ang ipinangalan sa kanya.
Si Aman Dangat ay may rebulto rin sa Luneta. Siya ang pinuno ng tribong Ivatan sa Batanes noong 1780s. Ipinaglaban niya ang karapatan ng kanyang nasasakupan laban sa mga kastila. Binitay siya noong 1791.
Maraming lugar ang hango sa pangalan ng ating mga bayani. Tulad ng Trece Martires sa Cavite. Ipinangalan daw ito sa 13 martir ng Cavite na ipinapatay ng mga Kastila noong 1896 dahil sa pagsapi nila sa Katipunan. Bilang pagpupugay ay itinayo ang monumento ng mga martir noong 1906.
Mula naman sa Batangas si Heneral Miguel Malvar. Nagmula siya sa mayamang pamilya pero naging bahagi ng Katipunan. Sa ngayon, kahit ang lokal na pamahalaan ng Malvar ay aminadong limitado ang alam nila tungkol sa heneral.
Mahaba ang listahan ng mga bayaning hindi pamilyar ang kuwento sa mga libro. Ngayong Huwebes ay pag-aralan natin ang kasaysayan, manood ng Investigative Documentaries, 8 PM kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular