Filtered By: Newstv
NewsTV
'Pabahay' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
23 October 2014 Episode
PABAHAY
Bawat pangulo, may programa sa pabahay.
Ang Katuparan Ville sa Vitas, Tondo Maynila, itinayo ng National Housing Authority o NHA noong 1990 sa panahon ni dating pangulong Corazon Aquino. Mahigit 700 pamilya ang inilipat dito noon. Ngayon, lampas 2,000 pamilya na ang nagsisiksikan dito sa unit na ang sukat ay 18 square meters.
Pebrero nitong taon, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Maynila na dapat nang tibagin ang 12 gusali dahil delikado na ito. Nanindigan ang mga nakatira sa Katuparan Ville na hindi sila aalis.
Sa administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos, itinatag ang SAPARI o Sariling Pabahay sa Riles sa halagang P1 billion. Itinayo ito sa Paco, Maynila. Labinglimang libong pamilya ang nakinabang sa programang ito.
Ang nabigyan ng bahay, dapat magbayad ng P500 kada buwan sa loob ng 25 taon. Ang problema, hindi natutupad ng maraming residente ang obligasyong ito. Dahil dito ay posibleng mapaalis na rito ang mga hindi pa nakababayad.
Ngayong Huwebes, bibisitahin natin ang iba't ibang pabahay ng mga naging pangulo ng bansa mula pa noong panahon ni dating pangulong Corazon Aquino hanggang sa kasalukuyang administrasyon.
Abangan ang unang bahagi ng aming dokumentaryo sa pabahay Investigative Documentaries kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Abangan ang unang bahagi ng aming dokumentaryo sa pabahay Investigative Documentaries kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular