Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagmimina sa Zambales, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
24 JULY 2014 Episode
MINA: ZAMBALES



Isang siglo na halos na minimina ang iba’t ibang lugar ng Zambales. Mayaman kasi ang probinsiya sa nickel, chromite at copper.

Pero matagal na ring inirereklamo ng mga Zambaleno ang pagmimina sa kanilang bayan dahil sa perwisyong dala nito sa buhay nila.

Ang bayan ng Sta. Cruz, batbat ng small scale at large scale mining. Aktibo ngayon dito ang Benguetcorp Nickel Mines Incorporated o BNMI, Eramen Minerals Incorporated, Zambales Diversified Metals Corporation o ZDMC at LNL Archipelago Minerals Incorporated o LAMI.

Ang dalawang ilog sa lugar, ang Panalabawan at Alinsaog, ay kulay putik na ang dumadaloy. Apektado ang  halos dalawandaang ektaryang palaisdaan sa paligid nito dahil namamatay ang mga bangus dito.

Sa bayan ng Cabangan, tatlong taon na ang operasyon ng Sinophil Mining ang Refining Corporation. Sinisisi ang minahan sa pagdumi ng tubig sa paligid. At ni wala raw konsultasyon bago ibigay ang permit sa minahan.

At mula sa himpapawid, makikita ang lawak ng miniminang bahagi ng probinsiya.  



Alamin kung sino ang dapat managot sa patuloy na pagkasira ng mga likas na yaman ng Zambales dahil sa pagmimina. Manood ng  Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug